Having been brought by God’s grace to repent and believe in the Lord Jesus Christ we now, in dependence upon His Spirit, resolve to live by faith and so establish this covenant with each other.
We will work and pray for the unity of the Spirit through the bond of peace. (Eph 4:3)
We will be devoted to one another in brotherly love. With humility and gentleness we will patiently bear with each other, forgiving, encouraging and building one another up, exercising watchfulness over each other and admonishing one another when necessary. (Luke 17:3; Col 3:13; 1 Thes 5:11; 1 Pet 1:22)
We will not neglect to gather together, or to pray for ourselves and others. (Col 4:2; Heb 10:25)
We promise to bring up our children and youth in the training and instruction of the Lord, and by a pure and loving example to seek the salvation of our family and friends. (Eph 6:4; 1 Pet 3:1)
We will rejoice with those who rejoice and weep with those who weep, helping to carry each other’s burdens. (Rom 12:15)
We will seek, by God’s help, to live carefully in this world, denying ungodliness and worldly passions. We will strive to live self-controlled, upright, and godly lives in this present age, as we wait for our blessed hope, the appearing of the glory of our great God and Saviour Jesus Christ. (Titus 2:12; 1 Pet 1:14)
We will defend and maintain an evangelical ministry in this church by supporting and upholding:
- The preaching of the Word of God (2 Tim 4:2)
- The administration of the Gospel Sacraments [baptism and the Lord’s Supper] (Acts 2:38; 1 Cor 11:26)
- The exercise of church discipline (Matt 18:17; 1 Cor 5:13)
We will contribute cheerfully, generously and regularly to the support of the ministry, the expenses of the church, the relief of the poor, and the spread of the gospel through all nations. (Matt 28:19; Luke 12:33; 2 Cor 9:7)
We will, when we move from this place, as soon as possible unite with some other church where we can carry out the spirit of this covenant and the principles of God’s Word.
May the grace of the Lord Jesus Christ, and the love of God, and the fellowship of the Holy Spirit be with us all. Amen. (2 Cor 13:14)
Tayo ay nakikipagtipan na...
Bilang tayo ngayon ay dinala sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos tungo sa pagsisisi at pananampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo, sa pagtitiwala sa Kaniyang Espiritu, nagpasiya na mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya at kaya itatag ang tipan na ito sa bawat isa.
Kami ay gagawa at mananalangin para sa pagkakaisa sa Espiritu/ sa pamamagitan ng bigkis ng kapayapaan (Effeso 4:3). Kami ay magiging tapat sa isa’t isa/ sa pamamagitan ng magkapatirang pagmamahal, kapakumbabaan/ at kahinahunan. Kami ay mapagtiis na babatahin ang lakbayin kasama ang bawat isa, magpapatawaran, magpapalakasan, patatatagin ang isa’t isa, magkakalingaan magpapaalalahanan at magbibigay payo sa isa’t isa/ kung kinakailangan. (Lucas 17:3; Col 3:13; 1 Thes 5:11; 1 Pedro 1:22)
Kami ay hindi magpapabaya sa pagtitipon, o sa pananalangin para sa aming sarili at sa iba (Col. 4:2; Heb. 10:25).Kami ay nangangakong dalhin ang mga anak at mga kabataan sa pagsasanay at sa pagtuturo patungkol sa Panginoon, sa pamamagitan ng isang dalisay at mapagmahal na halimbawa upang hangarin ang kaligtasan ng aming pamilya at mga kaibigan (Effeso 6:4; 1 Pedro 3:1)
Kami ay makikigalak sa mga nagagalak at kasamang tatangis sa mga tumatangis;/ magtutulungan sa pagdala ng mga pasanin ng bawat isa. (Rom. 12:15)
Kami ay magnanais, sa tulong ng Diyos, na mamuhay nang maingat, tanggihan ang makasanlibutang mga bagay at mga hindi maka-Diyos. Kami ay magsisikap na mamuhay nang may pagpipigil sa sarili, matuwid, at maka-Diyos na pamumuhay sa kasalukuyang kapanahunan, habang naghihintay tayo sa ating tinatanaw na pag-asa: ang paghahayag ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo. (Tito 2:12; 1 Pedro 1:14)
Ipagtatanggol namin at pananatilihin ang ebanghelikal na ministeryo sa iglesyang ito/ sa pamamagitan ng pagsuporta at paninindigan sa:
- Pangangaral ng Salita ng Diyos (2 Tim. 4:2)
- Pamamahala ng Ebanghelyong mga Sacramento (bawtismo at banal na Hapunan ng Panginoon) (Mga Gawa 2:38; 1 Cor. 11:26)
- Pagsasakatuparan ng panuntunan ng iglesya sa pagdidisiplina (Matt. 18:17; 1 Cor. 5:13)
Kami ay magbibigay nang may kasiyahan, nang may kasaganaan at maluwag sa kalooban at palagian upang suportahan ang ministeryo, ang mga gastusin ng iglesya, ang pagbigay tulong sa mahihirap at ang pagpapalaganap ng ebanghelyo sa lahat ng bansa. (Matt. 28:19; Lucas 12:33; 2 Cor. 9:7)
Kami, kung aalis man mula sa lugar na ito, ay agad-agad na makikipag-isa sa ibang iglesya kung saan madadala namin ang Espiritu ng tipan na ito at ang mga prinsipyo at katuruan ng Salita ng Diyos.
Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Banal na Espiritu ay sumaating lahat. Siya Nawa. (2 Cor. 13:14)